Ang pangunahing tungkulin ng MERCHANDISER ay ang pagbibigay buhay sa imahe ng mga produkto sa pamamagitan ng mas mahusay na pagpapakita at pagpapakilala ng mga katangian nito sa tindahan o mga mamimili na may layuning magbigay kaalaman sa kanyang mga produkto.
Siya ay may mahalagang tungkulin sa pagtiyak sa pagkakaroon ng kumpletong linya ng kanyang mga produkto sa mga istante na madaling makita at maabot ng mga mamimili.
Siya ay dapat makalikha ng isang kahanga-hanga, prominente, malinis at nangingibaw na pagpapakilala ng kanyang mga produkto ayon sa bahagi nito sa tindahan, planogram ng kliyente at hindi bababa sa pantay na pakikipagharap sa mga pangunahing kakumpitensya nito.