1. Tumutulong sa mga gawain sa paglikha ng produkto tulad ng:
- Paggagawa ng iba't ibang mga produktong HVAC mula sa iba’t ibang uri ng sheet metal ayon sa specification sa order ng kliyente
- Pagseset-up para sa pagputol, pagbaluktot, at iba pang gawain upang iproseso ang mga sheet metal
- Paglalagay ng sealant
- Pag-aassemble ng mga parte upang mabuo ang produkto
- Pagbubuhat, pag-aayos, at pag-sasalansan ng mga kagamitan at produktong kailangan sa pagkakabit ng mga parte ng ducting system
- Pagtitiyak na walang gasgas, yupi, at dumi ang mga produkto bago ikabit
- Paghahanda at pag-aayos sa mga ikakabit na produkto sa area
- Paghahanda at pagkakabit ng mga support na kailangan upang maayos na maikabit ang mga ducts at iba pang parte ng ducting system
- Pagkakabit ng mga parte ng ducting system tulad ng ducts, fittings, dampers, plenum boxes atbp.
- Pag-iinsulate ng ducting system
2. Tinitiyak ang kalidad ng trabaho sa buong proseso ng paggawa ng produkto
3. Nagsasagawa ng tamang hakbang at pamamaraan sa trabaho at nagsusuot ng angkop na PPEs upang matiyak ang pansariling kaligtasan
4. Nagpapanatili ng kalinisan sa lugar ng trabaho bago at pagkatapos ng trabaho
5. Nagpapanatili ng kalinisan at tamang kondisyon ng mga tool, materyales, at kagamitan bago at pagkatapos ng trabaho
6. Nag-uulat ng mga nasirang kagamitan sa supervisor
7. Sinisigurado na maayos na naisara at naitabi ang lahat ng makina at materyales pagkatapos ng trabaho
8. Nagbubuhat, nagsasalansan, at nagaayos ng mga nagawang produkto sa itinakdang imbakan
9. Nag-rereport ng mga nararanasang komplikasyon sa trabaho sa leadman
10. Nagsasagawa ng iba pang mga tungkuling maaaring italaga ng supervisor