Ang Delivery Driver ay ang responsable para ihatid ng tama at ligtas at ating mga kalakal at producto sa ating mga kliyente at kostomer. Ang isang Delivery Driver ay itinilaga upang makipag tulungan sa kanyang dipartamento upang maplano ng wasto ang kanilang ruta para sa mabilis at maayos na pag hahatid ng mga produkto.
DUTIES AND RESPONSIBILITIES
1. Mag fillup ng Truck checklist
2. Mag hatid ng mga kalakal at produkto sa mga kliyente ng ligtas at nasa tamang oras.
3. Responsable sa pag gawa ng layout ng deliveries.
4. Ibigay ang tamang resibo ng kliyente sa Senior Helper at Helper.
5. Siguraduhing naibigay din ang Accounts Receivable (AR) sa Senior Helper at Helper kung meron.
6. Double check kung tama ang nakolektang bayad nila Senior Helper at Helper.
7. Siguraduhin din na tama at kumpleto ang mga detalye na nararapat sa checklist.
8. Ilagay ang nakolektang bayad sa CASH BOX.
9. Si Delivery Driver rin ang responsable sa pagawa ng remittance.
10. Siguraduhing tama at kumpleto ang mga resibo na nadeliver.
11. Makipag coordinate kay Cashier para ma assist sa cash collection.
12. Gumawa ng liquidations and PO para sa Gas allowance.
13. Kolektahin at icheck ang mga resibo para sa sususnod na deliveries.
14. Siguraduhing ulit na maayos ang truck bago iwan.
15. Siguraduhin ok na ang clearance form at isubmit sa guard bago umuwi.