1. Mag-karga at mag-baba ng produkto at mga materyales na ginagamit sa konstruksyon mula sa trak o sa makina
2. Ihanda ang produkto at kagamitan para sa karagdagang pag proseso o pagsiyasat.
3. Inaatasan sa pagtiyak na ang bodega o lugar ng trabaho ay napapanatiling maayos at malinis at ang mga materyales ay maayos at ligtas na nakatago.
4. Mag-senyas sa katrabaho habang nasa proseso ng paglilipat ng mga bagay o gamit.
5. Siguruhin na ang lugar ng trabaho ay walang anumang mga bagay na may potensyal na magdulot ng kapahamakan, mag-baba at i-handa ang mga kagamitan at iba pang pangangailangan sa trabaho.
6. Pamahalaan ang mga aktibidad sa pagpapanatili ng kaayusan ng mga kagamitan at mga kasangkapan.
7. Tumulong na paandarin ang “POWER TOOLS” kung kinakailangan.
8. Maglinis sa lugar ng site pagkatapos ng bawat oras ng trabaho.
9. Tumulong sa pagsasa-ayos ng trapiko, kung kinakailangan.
10. Tulungan ang mga may kasanayan na manggagawa sa kanilang mga gawain kung kinakailangan.
11. Sundin ang plano sa konstrusiyon at mga tuntunin mula sa superbisor o sa manggagawa na may higit pangkaranasan.
12. Magsagawa ng iba pang mga tungkulin na maaring italaga ng superyor sa anumang oras.